Angela Ken – Ako Naman Muna Lyrics
Ako Naman Muna Lyrics by Angela Ken
Kada hakbang sa lupa’y para akong inaanod
At Nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga problemang ‘di masolusyonan agad
Parang wala nang bukas
Pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili
Ngunit ‘di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa’n na ‘to patungo?
Sa’n na ‘ko patungo?
Dahan-dahan na’ting simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan.
Oo, pagod ka na
Pero ‘di ka nag-iisa
Kaya’t lumaban ka at sabihing,
“Ako naman muna”
Kada hakbang sa lupa’y para akong inaalon