UGG (U Go Girls) – Dati Lyrics
Dati Lyrics by UGG (U Go Girls)
Bakit ba gan’to
Ambibilis naman ng tao
Ate, kuya ano
Isang text lang biglang naging kayo
Ano na bang nangyayari
Nag-chat lang nagtawagan na ng “baby”
Ito na ba ang pag-ibig ngayon
Masyado na ba tayong nagmamadali
Ang puso ‘di mapakali
Hindi naman gan’to dati
Kasi dati aakyat ng ligaw
Dati kahit ‘di bilhan ng hikaw
Dati haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati
Dati eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati
Isang beses may lumapit sa ’kin
Isang lalaking may hangarin
Sabay tanong, “Ate anong number mo”
Sabi ko, “Kuya call center ba ’ko
Bakit mo kailangan number ko”
Sabay back out
‘Yun pala hindi seryoso
Hindi naman sa nagpapabebe
Iniingatan lang ang puso, pwede
Hindi naman ganito dati
Kasi dati aakyat ng ligaw
Dati kahit ‘di bilhan ng hikaw
Dati haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati
Dati eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati
Hindi lang ang lalaki ang may kasalanan
Pagkadelikadesa’y ‘wag din sanang makalimutan
Dati rati ihahatid ka pa
Dati rati susulatan ng tula
Dati rati susuportahan ka pa
Bakit ngayon nagpakain sa sistema
Dati rati hihintayin ka pa
Dati rati hindi bigla-bigla
Dati rati susuyuin ka pa niya
Mga ate ‘wag magpadala sa bola
Ahhh, ahhh…
Dati ika’y nirerespeto
Ngayon dinidire-diretso
Dati ikaw lang sapat na
Ngayon apat na kulang pa
Kulang pa…
Dati aakyat ng ligaw
Dati kahit kahit ‘di bilhan ng hikaw
Dati haharanahin ka pa
Sa harap ng buong pamilya
Hindi kailangan ng pera
Basta ang puso mo’y tapat
Isang tula o kahit isang sulat
Dati
Dati eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati eh eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati
Dati eh eh
Dati
Sana ngayon
Katulad lang ng dati