Gloc-9 – 24Bars Rap Challenge Lyrics
24Bars Rap Challenge Lyrics by Gloc-9
Tinanong ni flow g puwede ba daw akong sumale
Ayaw ko sana baka meron akong masabi
Parang pinutakte na mga makakapal na labi
Isang kilong siling labuyong binabad sa wasabi
Napaka anghang na mga salita
Kaylan may hindi mo makakaila
Simula dito hanggang sa kabila
Mahirap kalaban ang batang mula sa maralita
Minsan kailangan mo nang mag papakitang gilas
Sino yan apat na makata ng pilipinas
Di makakatakas
Parang binasa ng laway mga dila na binalutan ng sinturon ni hudas
Teka sino nga ba talagang magagaling
Balang araw ay palaging titingalain
Binubulong na palaging tanong ng napaka rami
Buong tapang at pasigaw na sasagutin
Nangahas na bilangin ang mga bituwin
Pag lahat nakapikit kamiy nakatingin
Hindi mo kayang biguin lahat ay kakagatin para kaming bampira na nakatikim
Laging uhaw sa dugo
Pangil ng ahas na tumutuklaw sa bungo
ang lahat ng naka tayo ay napapaupo
Kami ay walang hiya na parang batang hubo
Pag dating sa pag sulat ng letra
Sa lamesa gamit ang lapis at papel
Matagal nakong umentra sa eksena
Parang kometa
pangalan ko poy Aristotle
Sanay sa mabahong paligid masungit mainit makitid
Masugid na pinapabilib ka
Laging maigsi ang palugit palaging pinapaulit nang maukit at aking mailista
lahat ng ayaw maniwala
Bukas luluhod ang mga tala
Tandaan na wala kang mararating
Kapag wala kang gagawin kundi umasat tumunganga
Sa mga
Dinaman makakatulong sayo
Umaasta na silay mas marunong sayo
Yayabangan ka na ito daw ang usong bayo
Kanya lang ang hahakutin kasi walang kayo
Maniwala ka sakin dahil nakadaupang palad ko na ang lahat ng mga naging idolo mo dati
Laman ng kalsada gala ng gala nang makamada
Binangonan rizal hanggang sa malate
Las pinas cavite pazapote alabang bababa ng Shaw
Hayaan mong ako na ang mag sabi sayo na papunta ka palang ay pabalik nako!