Gloc-9 – Saranggola Lyrics (feat. Yuridope)
Saranggola Lyrics by Gloc-9 feat. Yuridope
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis
Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo
Huwag umalis ang sinasabi
Lahat ay gusto mong mabawi
Mga nadarama’y nahati
Kilala mo pa ba ako?
Sa alaala nakatali
Salita na sari-sari
Na galing sa’yong mga labi
Patalim na itinarak mo
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis
Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo
Sa huling pagkakataon ikaw pa rin ang rason
Kung bakit ba ako nasa alapaap ngayon
Andami dami kong gusto sana na itanong
Pero kung nandito na’ko balewala na din ang ‘yong tugon
Kaya mangyari na ituon na lang ang pansin
Sa mga sumbat na huling maririnig na mula sa akin
‘Di pa man ako nawawala bakit ba ambilis mo agad tanggapin
Nawalan ng pag-asa ba masalba bagay na gustong-gusto kong sagipin
Yun na lang naman ang dahilan kung ba’t pa’ko nabubuhay!
Sa mundo ko ay kumukulay! Ikaw na gusto ko sanang makasama ko hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatid mo ‘ko dun sa, dapat ko na higaang hukay
Kinulang ba ‘ko o lumabis sa paglalambing eh bakit ka naumay?
‘Yan lang ang katanungan kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras sa’kin sa liwanag! Sumalubong!
Pero malamang kung nais mong tulungan ako
Makabangon ikaw ay nandirito
Tuwing mapapatalon ako sa saya o lungkot ikaw ang dahilan nito
Hangin saking pisngi na kay sarap
Kahit mga halik mo’y nagpanggap
Haba ng biyahe ko’y patapos na
Bumilang ka ng segundong lima
Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko bitawan mo
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito