Raven – Hara Lyrics
Hara Lyrics by Raven
Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito’y para sayo
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon ikaw lang
Handa na ba na pakinggan ang naisulat kong
Harana, mga salitang nanggaling sa aking nadarama
Kahit simple lamang gusto ko lamang malaman mo
Na tunay ang lahat ng to at di basta gawa lang
Pwede bang malaman kung nandyan pa ba si tita at si tito
Makalumang paraan kahit sabihing di na uso
Di na bale kung ganto basta’t tama ang motibo
Sasamahan pagtanda’t mamahalin ka hanggang dulo
At kahit na mataas man ang hagdan
Aakyat pa rin ng ligaw kahit dahan dahan
Hangad ko lamang tunay na pagmamahalan
Handog ko na pag-ibig ay pangmatagalan kaya
Pwede ba? Pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba ikaw lang talaga
Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito’y para sayo
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon ikaw lang
Makabago na harana
Pakinggan mo ang humahanga
Tila hindi mo alintanang napapangiti ka na
Habang ako ay umaawit ng
Makabago na harana
Wag ka lamang magsasawa na dumungaw sa bintana
Sa tuwing bumibisita bitbit ang aking gitara
Aawitan ka ng para bang kasali sa parokya
Nilalakasan ang aking loob sa tuwing pinapanood
Ang iyong mga mata na sakin ay nakasunod
Abutin man ng anong oras, taon man ay lumipas
Pangakong di kukupas ang pag-ibig kaya
Pwede ba? Pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba ikaw lang talaga
Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito’y para sayo
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon ikaw lang
Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito’y para sayo
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon ikaw lang