Zild – Crab Lyrics
Crab Lyrics by Zild
Laging kinukumpara
Kahit sinong katabi
Bakit ang galing nila
Ayoko nang magpahuli
Laging minamaliit
Ang kahit na anong gawin
Hindi na nga naging sapat
Kailanman ako’y bitin
Ayoko nang sumabay sa agos ng iba
Sila’y lamang
Di ko kayang sabayan sila
Lagi nalang
Nakakailang
Ayoko naman na mainggit (2x)
Ohhhhh
Ayoko sa’king katawan
Ilibing niyo nga nalang
Di na nakakalibang
Lumikha at magbilang
Tatanda ng ganito
Anino lang ng kung ano-ano
Laging kinukumpara
Kahit sinong katabi
Ayoko nang sumabay sa agos ng iba
Sila’y lamang
Di ko kayang sabayan sila
Lagi nalang
Nakakailang
Ayoko naman na mainggit
Ohhhhh
Lumalapit na sila
Kilala ang isa’t isa
Lumalapit na sila
Hihilahin ka pababa
Alimango
Utak talangka
Ang labo
Ganiyan talaga