Flow G – Rapstar Lyrics
Rapstar Lyrics by Flow G
Di nyo na pwede masisi kung bat ganto
Ginaganapan ko lang ng natural
Tsaka inagapan ko na mautal,
nilaban, sinugal, ginapang, minahal
Katagalan natutunan ko nang tumagal
tsaka alam ko naman na inaabangan na
sana tabangan yung papakawalan para di na abangan
Kaso nga lang palaban ang batang alabang
Kinalakihan na galingan ng galingan
Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin
Di ko namalayan na malayo na malayo
na malayo narating, pati ako napa iling
mga naniwala di ko pwedeng biguin
di ko pwedeng pakitaan ng bitin
mga tenga na kailangang busugin ko padin
Kahit kabisado na kilitiin
Alam ko na may mata na nagbabantay kung pano ako sasablay
Matiyagang nag aantay kung kailan ako tatamlay at lalaylay
Yung mga laway na laway na makita ako
Na mahina umay na umay na manira
ngalay na ngalay na manghila
Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay
nung napasarap mag rap ang daming nag bago
Daming nabago mula nung kilalanin ng tao
Daming nagtulak sakin palaging maging ganado
Palaging plakado, ag gumalaw ka laging planado
Daming pasabog, kailangan pag malawak ang sakop
Ikaw din ang talo sa laban pag nabalot ng takot
Kung san ka aabot, hakutin lahat ng mahahakot
yung dami ng pagod ay may sukli pag di ka madamot
At kung di ko tyinaga baka nauwi na sa wala
Ganito pala to kalala kita mo naman ang napala
pano kung hindi ko ginawa?
Yung iba di makahalata
Malaki na ang nakataya, marami nang pwedeng mawala
Kaya di na pwedeng pabaya,
Hindi pwedeng puro mamaya, baka sa huli mapahiya
Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala
Matagal ko din yang kinapa, kada gawa, gumanda pa yung kalidad
di mo nakitang binaba
Dumarami pang nagdududa puro kilos ang inuuna,
ngayon kita mo namumunga
tumutubo na, pakarami kong nakukuha pero di parin nalulula
Tas sa ugali wala paring binago
Tao parin pag humaharap sa tao
Pero pag usapang rap paiba-iba ko literal na may bago
kang aabangan sa tuwing may ilalabas na bago
Yan ang ginawang pambawi
Sa nakikinig palagi
Para mas lalo silang ganahan
‘di yung mga bago ko hanapin
yung mga iba naman nabababawan
pero ‘di na para atupagin
‘di kasi nila maunawaan
na ‘yung bulsa ko, pinapalalim
Kahit papaano naman, naganapan ko paunti-unti
Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi iba din ang laking munti
Tila may anting-anting, sa galing
Himala yung kuting, yung naging kambing
Sa dami nang hinain na putahe pwede akaling malaking canteen
Yung iba nakahalata na
Sa pangalan nag plaka
Nagiging malala bigla, lalo pag pabaligtad na binasa
Pag gumagawa, ginagawa magagawa, maiba lang ang lasa
Para maipakita ko din na di na ko gumagwa ng basta basta
ngayon lalo pang nananabik
Kasi meron nang bumabalik
gagawin ko parin nang gagawin
Ngayon san pa kaya ko neto dadalhin
Subok na subok na yung lagi nyong sinusubok no’n
Yung mga nanubok, yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong
eto na ngayon yung maga sinabihang nyong gunggong
Sa tuktok na kami tumutungtong
eto yung hindi nyo matutunton
Tsaka ramdam nyo na ring pataas kami nang pataas
Kada labas, kahit hindi madalas
palakas parin nang palakas
Samin na tong palabas mabanas kayo nang mabanas
Pagka usapang pinas, pasok kami dyan, hindi na mapapalabas
Wag ka na magtaka bat nangyari at papa’no
Kasi kitang kita nyo naman, malinaw pa sa klaro
Sarili nalang ang tinatalo
Oo wala nang iba, halata kasi nga nung yung uso naiba
O diba yung iba nabura