Kheed Mendoza – Lawan Lyrics
Lawan Lyrics by Kheed Mendoza
Kapag ‘di nagpakita, magtatampo ako
Kapag ‘di mo sinuyo, ako ang susuyo sa’yo
Ano bang aasahan sa relasyong magulo?
Ba’t nagpapataasan, paligsahan ba ito?
Ano bang gusto, sabihan ako
Para matapos na
Kaya sumama ka at tayo’y pupunta
Sa lugar kung sa’n walang makakakita
Lalayo at ‘di na babalik
Mananatili ba o aalis kana
‘Di ka pipilitin at ‘di pipigilan
Pero baka gusto mo namang pag-usapan
‘Di ka nagpapatalo, o sige, panalo kana
Wala ito sa plano, yung magkagulo tayong dalawa
‘Di ko inaasahan na mapapagod ka rin pala
Huwag mo akong bitawan, ‘pagkat ‘di ko kayang mag-isa
Ano bang gusto, sabihan ako
Para matapos na
Kaya sumama ka at tayo’y pupunta
Sa lugar kung sa’n walang makakakita
Lalayo at ‘di na babalik
Mananatili ba o aalis kana
‘Di ka pipilitin at ‘di pipigilan
Pero baka gusto mo namang pag-usapan ‘to?
Pag-usapan ‘to