MidSummer – Di Masabi Lyrics
Di Masabi Lyrics by MidSummer
Di ko inasahan na ako’y mahulog sa iyo
Sa lahat ng tao, sa iyo pa na kaibigan ko
Hindi ko ginusto ngunit patawad
Kung ako’y nadala sa mga lambing mo
Nagtataka kung ba’t ito nangyari
Nakuha mo ang puso ko
Di ko magawang sabihin sa iyo na ikaw ang minamahal ko
Hanggang tingin nalang, palihim na minamahal ka
Sana’y mapansin mo
Nais ko mang ipagtapat
Sana’y di mo pa nahalata
Ang aking nararamdaman sa iyo
Natatakot lang ako baka umiwas ka
Nangagamba’t ika’y magbago na
Ilihim nalang, baka ito’y makasira sa atin
Mahirap pero kakayanin para sa iyo
Di ko magawang sabihin sa iyo na ikaw ang minamahal ko
Hanggang tingin nalang, palihim na minamahal ka
Sana’y mapansin mo
Di maiwasang mag selos pag ika’y masaya sa iba
Maling mainggit dahil alam ko na ako’y kaibigan lang
Sino ba akong kaibigan lang sa puso mo
Di ko magawang sabihin sa iyo dahil alam ko na iba ang iyong gusto
Di ko magawang sabihin sa iyo na ikaw ang minamahal ko
Hanggang tingin nalang, palihim na minamahal ka
Sana’y mapansin mo
Di ko magawang sabihin sa iyo na ikaw ang minamahal ko (Di ko magawang sabihan ka, di ko magawang aminin na)
Hanggang tingin nalang, palihim na minamahal ka
Sana’y mapansin mo (Tanggap ko na hanggang tingin nalang, palihim na minamahal ka)
Oooh